Malayo Man Ay Malapit Din
I Minsan lang kitang masilayan At kahit sa webcam lang, Para na akong saranggola Kasama ng himpapawid at alapaap. II Wala sa hinuha na ikaw ay masaktan Dangan nga din lamang na mahina ako sa mga maligno at kagawaran ng teknolohiya Hiling ko pa rin na masilayan ang iyong larawan Hahayaan mo bang malunod ang kulisap sa karimlan Nang hindi ka man lang nasilayan? III 'Di ko ninais tawaging makabagong bayani At mapalayo sa'yo aking mahal Datapwa't hindi ko makakaya ang kayo'y magdildil ng asin At mag-ulam ng galunggong na tinapa IV Paano ang gagawin ng isang pusong nag-iisa Sa nakabibinging katahimikan ng apat na sulok na kwarto? Parang baga itong silid-aklatang malamig na naghihintay marinig ang iyong tinig. V Hanggang sa muli nating pagkikita aking mahal: Ang pagyapak ng aking paa sa damuhan ng Pilipinas na aking inaasam. Nawa ay naligayahan ka aking sinta Dahil bagaman tayo ay nagkalayo, Pinaglapi...